Naghahanap ako ng mga linux distro na gawa ng kababayan natin. Nakita ko ang Bayanihan at KahelOS at gusto ko lang malaman kung meron pang iba. Mas gusto kong suportahan ang kababayan kaya ako nagtatanong.

Sinubukan ko ang KahelOS pero walang forum support para makapag-tanong ako sa problema. Sa kasalukuyan, gamit ko ang Lubuntu 13.10, Crunchbang Waldorf at FatDog64 "a puppy linux derivative". Problema ko sa KahelOS, hindi ko mai-setup ang 3 monitor/2 gpu desktop setup ko. Kailangang-kailangan ko ito sa trabaho.

KahelOS - pagaaralan ko pa din. Alam ko based sa Arch Linux ito. Mas gusto ko based sa Debian pero hindi problema ito. Puwedeng matutunan.
Bayanihan - hindi ko pa nasubukan at hindi ko din mahanap sa site kung saan based ang distro.

Kung tatanungin ako, mas gusto ko ang Debian based, kaya sa ngayon paburito ko ang "#! Crunchbang". Very stable at walang problema sa support. Arch is also stable, kaya hindi ako susuko sa KahelOS. Slackware based distro ay maganda din so hopefully, kung meron ibang pinoy linux, based sana sa isa sa tatlong ito.

Salamat.